Uncategorized

Thursday, April 6th

Eto ako, sa ika tatlong araw mula nung napagdesisyonan kong itigil na ang katangahang ito. Pilit kong binabaling ang atensyon sa mga bagay na dating nagpapasaya saakin nung hindi kapa dumadating sa buhay ko. 

Eto ako, na unti unting binubuo ang pundasyong bumuwag ng dahil sa pagmamahal sayo. Unti unting itinatayo ang pader na maaaring pumagitan sa akin at sayo. 

Ngunit ayan ka, 

Ayan ka nanaman nagpaparamdam na tila ba’y sinusubok ang tibay ng pader na aking itinayo. Pumapasok sa buhay ko na parang isang malakas na bagyo. Na para bang alam na alam mo kung kailan gagambalain ang proseso kong paglimot sayo.

Nawala lang lahat, nawala lang lahat ang pader na ilang oras, araw at segundo kong pinaghirapang itayo, ang pader na kahit masakit ay pilit kong binubuo upang hindi na ako mapalapit sayo

Nawala na ang lahat

Wala

Dahil lang sa isang text message mong 

“Goodnight 🐷”

Eto nanaman ako, balik sa simula

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s