Uncategorized

Sa dulo ng walang Hanggang Closure

“Ito ay alay ko sa mga taong walang ibang alam gawin kundi humingi ng Closure sa isang relasyong dapat’y hindi na Sinimulan”

Hindi ka ba nagtataka?

Nagtataka kung bakit,

Kung paanong tayo’y nandito na sa dulo gayong wala namang tayong simula?

Kung paanong tayo’y nasa wakas na ng storya nang hindi man lang natin kilala ang may akda?

ang may akda

Sino ba ang nagsimula?

Sino ba ang may pakana?

Paano ba nagumpisa, bakit nasa dulo na ang pahina?

Paano ba tatapusin ang isang bagay gayong hindi mo naman alam kung saan ito nagsimula, O wala ka namang ideya kung ito nga ba ay nasimulan ba?

Yung ang tanging pinanghahawakan mo lang ay ang kanyang mga kataga

katagang “Dito! Dito lang tayo sa gitna,

wag mong alalahanin ang dulo  at kung saan ba dapat magsimula

Dito sa gitna

Sa gitna kung saan ikaw at ako lang ang nakakaalala

Dito, Dito kung saan ang simula ay hindi mahalaga

At ang dulo ay malayo pa

Dito sa gitna

Sa pagitan ng ako’y sayo at akin ka”

Mga matatamis na salitang sayo mismo nagmula

ako’y unti unting naniwala

nauto at nagpaka tanga!

Dito

Dito ako nakatayo

ngunit asan ka?

hinanap kita

Sa pagtingin ko sa kawalan

at pagtungtong sa aking kinatatayuan

ngayon ko lang napuna

na nandito ako, OO Nandito ako

hindi sa gitnang ipinangako mong datapwat’y walang simula ay wala din itong dulo

Hindi!

Hindi sa gitnang inaasahan ko

Nandito ako, nandito sa ereng pinagiwanan mo

Ngayon alam ko na

bagamat ay nagpakatanga

Maaari bang marinig ang huli mong salita?

Nais ko lamang malaman kung ako’y minahal mo rin ba?

Nais ko lamang marinig ang sagot sa tanong na kung “pwede pa?”

Dahil sa likod ng mga Talatang pilit kong tinatapos

Sa likod ng Pahinang pilit kong nilalamukos

Sa likod ng galit na pilit kong niyayapos

Ay ang larong ito na kailanma’y hindi ko nais magtapos

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s